Wednesday, August 6, 2008

weird

ang weird ng feeling. yung mekaniko na malapit lang dito amin (san mateo) na gumawa ng kotse ko, pinuntahan ako sa bahay para sa additional na bayad raw. hindi naman niya nagawa ng maayos kaya nahaharass ang pakiramdam ko. pero para matapos na, dinagdagan ko na ang bayad. kako sa sarili ko, hinding hindi na ako uulit magpagawa sa kanila. kanina, nakita ko ang service car nila, nakasunod sa akin, parang ayaw humiwalay, nakatutok pa sa likuran ng sasakyan ko. ewan kung napaparanoid lang ako, pero naisip ko parang gusto na naman ata akong singilin. hehe. weird talaga. pero nakita ko siya sa rear mirror na nakatawa. tawang nakakaloko. parang hindi normal na attitude ng isang mekaniko sa kanyang dating kliyente. parang gusto ko na namang makaramdam na hinaharass ako. tsk... tsk...

Tuesday, May 27, 2008

PAPER ERASER



Alam mo ba kung bakit kita iniwan? Alam mo ba kung bakit ako nawala? Siguro nga hindi valid ang mga tunay na dahilan ko sa’yo. Dahil mananatiling paniniwala mo na kahit anong nangyari, hindi ako dapat umalis, o lumayo. Pero akala mo lang iyon.

Noong nalaman ko na may iba ka na sa buhay mo, inisip kong ano pa ang magiging papel ko? Magiging papel na niya ang maging sandalan mo sa oras ng pangangailangan mo. Magiging papel na niya ang tagapakinig. Magiging papel na niya ang tagapunas ng luha mo. Magiging papel na niya ang mahalin ka. Magiging papel na niya ang isang kaibigan. Magiging papel na niya ang anumang papel ko sa buhay mo.

At ako, ano pa ang papel ko kung ganoon?

Kaya noon ko naisipang burahin na lang ang anumang nakasulat sa papel ko sa buhay mo. Kaya ako nawala. Kaya kita iniwan.

Pero alam mo ba, nabura ko nga ang papel ko sa buhay mo, pero hindi ko naman nagawang burahin ang papel mo sa buhay ko?

Ang tinta na ginamit mo sa pagsulat sa papel ko ay nakamantsa.

Friday, May 23, 2008

Wednesday, February 20, 2008

WHEN I WANTED YOU

When I wanted you...
I needed you...
And I still can't bring myself to say I'm over you
When I gave you time to make up your mind
You turned your back on me
And now I'm turnin' back on you

Now you're on your own
How does it feel
To feel the way I used to feel...


Naalala kita sa mga lyrics ng kantang ito ni Barry Manilow. Sabi mo sa akin, kapag hindi na kita mahal, hindi na kita kailangan. Kako, ganoon ba 'yon? Oo, sabi mo. Tapos iniwan mo na nga ako sa panahong kailangan kita. Pinilit kitang kalimutan gaano man kasakit. Wala naman akong choice, eh. Isang araw nakikipagbalikan ka sa akin, sabi mo kasi kailangan mo pa ako. Mahal mo pa pala ako. Kung ganoon ay isang tanong ko lang noon ang kailangan mong sagutin para balikan kita, ok lang ba sa iyo na hindi na kita mahal at hindi na kita kailangan? Siyempre hindi ka pumayag kaya hindi na tayo nagkabalikan. Hindi ko inamin sa iyo na maski hindi na kita kailangan eh mahal pa rin naman kita. Dahil hindi nagkatotoo ang sinabi mo. Hindi nangyari ang sinabi mo. It should be the other way around. I don't need you, yet I still love you.

For now, it's just bittersweet memories na inaalaala ko na lamang paminsan-minsan. Natanggap ko na kasi sa sarili kong ayoko nang mahalin ka pa. My mind says i'm not longing for you anymore. Though my heart says something else.

But whatever feelings left, I do believe that it will all be gone soon... it will fade away soon... 'coz i don't need you anymore. I don't want to need you no more.

Saturday, February 2, 2008

BERTDAY KO!!!!

MY BIRTHDAY BASH!!!

DAYS GONE

I MISS YOU GUYS


kagabi, nakita ko ang picture ng mga student ko sa KC BATAAN. namiss ko silang lahat. masaya ako na naging bahagi ako ng buhay nila. masaya ako na malaman na may kanya-kanya na silang pamilya at trabaho.

kapag naiisip ko sila, bigla kong naiisip na magturo. napakasaya kasi ng alaalang pinagsamahan namin.

pero siyempre iba na. hindi na naman sila iyon.

sa ngayon, nagkakasya na lang akong tingnan ang mga larawan nila. dahil ayokong mawala sa isip ko ang magagandang alaalang kasama ko sila.


ONE NIGHT WITH YOU


i'll always love you... deep inside this heart of mine i do love you... and i'll always need you, and if you ever change your mind i still, i will love you...

pinapatugtog ang kantang 'yan sa kotse ko, nasa labas tayo noon ng bahay ninyo at kasama ang mga kaibigan natin, feb 1998.

ang lungkot lungkot ko ng gabing iyon. alam mo ang dahilan kung bakit. isang kalungkutan na maski ikaw ay nagdududang malalagpasan ko.

sabi ko sa iyo, salamat.

saan? tanong mo naman.

sa lahat-lahat. sagot ko.

pagkatapos ay ngumiti ka na lang.

hindi mo alam kung bakit kita pinasasalamatan. hindi ko muna sinabi sa iyo. hindi mo na rin ako tinanong.

hindi ko na sinabi sa iyo na matapos nating pakinggan ang kantang iyon ay nagsimula na iyong magkaroon ng kahulugan sa buhay ko... na konektado sa mga mata mong lihim na tinititigan ko...

Monday, January 28, 2008

KUNG MAGMAMAHAL KA...

Magmahal ka na lang, huwag kang maghintay ng kapalit at ng hindi ka masaktan...

Madalas kong sabihin sa sarili ko ito. Maski alam kong hindi naman totoo. Dahil nasasaktan pa rin ako maski anong gawin at isipin ko. Sa sulok ng puso ko'y naroon ang pag-asang baka mahalin din ako. Sayang naman, baka sakali, baka puwede, bakit naman ang hindi? Marami akong salitang nagbibigay ng pag-asa sa sarili ko. Maaaring false hope, pero pansamantala naman akong napapasaya.

Kadalasan kapag kuwentong pag-ibig na, kapag tungkol na dito ang isusulat ko, ang bobo bobo bobo ko na. Dahil wala akong salitang maitutumbas sa pagde-describe ko ng feelings. Walang eksaktong salitang magagamit kung susukatin ko iyon base sa pag-ibig na nararamdaman ko.

Wala. Sigurado akong wala.

Hindi ako magaling sumulat ng love letter kapag totoo ang nararamdaman ko. Korni. Baduy. Buhol buhol ang mga ideya at walang organisasyon. Parang basta makasulat lang. May masabi lang. Masabi lang na nakasulat ng love letter. Hindi rin nakakakilig. Walang magic o sprinkle. Basta wala. Parang walang kahulugan. Walang mensaheng magpapalambot ng puso o pupukaw sa isang natutulog na damdamin.

Hindi ko kayang mambola. Hindi ko kayang mag-imbento. Hindi ko kayang hanapin ang mga salitang magiging katumbas nito.

Wala, wala talaga. Dahil kulang talaga ang mga salita.

Kaya naisip kong sabihin sa sarili kong... kung magmamahal ka, magmahal ka na lang... huwag ka ng maghintay ng kapalit... dahil kung paanong walang salitang magiging katumbas, ay ganoon din ang pag-ibig na hinding hindi mo naman makakamit.

PAGLAKI KO, GUSTO KONG MAGING...

May isinusulat akong horror story, ang sequel ng Kalye Trese ng pamangkin kong si Pupu. Dahil busy siya sa pag-aaral ngayon at hindi na niya maharap muna ang pagsusulat, ang dakilang tita Glady niya ang umako ng kuwentong dapat sana'y siya ang gagawa. Sa pagitan ng mga deadlines at trabahong bahay, pakikipagchat at panonood ng dvd, may ilang sandaling natitigilan ako at nagtatanong sa sarili. Ito na lang ba ang gusto kong gawin sa buhay?

Ang magsulat, magsulat, magsulat at magsulat pa...

Marahil ang sagot ko ay isang malaking OO!

Noong nasa elementarya pa ako, tinanong ako ng isang guro kung ano ang gusto kong maging paglaki ko. Ang isinagot ko, gusto kong maging artista. Nagtawanan ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit sila nagtawanan. Dahil ba sa nakakatawa ang sagot ko o dahil hindi naman ako mukhang artista talaga. Pero totoo sa loob ko ang sagot ko na iyon. Hindi ako nagpapatawa. Mukha lang kasi akong nagpapatawa. Mukha lang kasi akong tanga.

Lumipas ang panahon at hindi ako naging artista. Pero may mga naging karanasan naman ako sa pag-arte sa teatro. May isa akong shortfilm na nagawa at nanalo pa ng awards na ipinalabas sa iba't ibang kompetisyon, ang Juan Orasan, ang director ay ang aking kaibigan na si Ging. Sumunod na offer niya sa akin ay makikipaglips to lips daw ako sa harapan ng camera. Haha! Hindi ko iyon kinaya. Kaya ang agang natapos ng career ko sa pag-arte.

First year high school ako noon nang magdeklara ako ng panibagong pangarap o gusto kong maging paglaki ko. Gusto kong maging singer. At iyan ay dahil sa pagkahaling kong tumugtog ng gitara at pagkahilig na kumanta. May ilan pa nga akong sariling komposisyon. Pulos mellow rock at love song ang naging kanta ko noon dahil sa impluwensiya ng dalawa kong kapatid na lalaki na nagturo sa akin na maggitara. Pero marahil ay hindi naman ako kagandahan at kagalingang kumanta, o baka hindi ko naman totoo na gustong maging singer, kaya't hindi rin ako nagkaroon ng recording album. Hehe.


Sa masalimuot na mundong tinahak ko, ang dami kong tanong na hindi masagot-sagot. Hanggang sa isang araw ay tila may kung anong puwersang nagtulak sa akin para pagalawin ang bolpen sa pamamagitan ng imahinasyon. Para lang sumagot sa mga tambak na tanong tungkol sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang malikot at maligalig na taong tulad ko. Isang araw, sinabi ko sa sarili ko, gusto kong maging writer. Wala akong direkta o tiyak na impluwensiya. Basta't kusa na lamang itong lumabas sa aking sarili. At isang araw, natagpuan ko ang sarili na nagmamakinilya at sumusulat ng nobelang may titulong MALALIM NA SUGAT, isang nobela na hanggang ngayon ay hindi pa rin napa-publish. Kung bakit, ewan ko. Basta't akin ang kuwentong iyon at hinding hindi ko ipapaangkin sa iba. Baka isang araw ay maisipan kong ilabas sa blog na ito, malay ko ba sa mood ko.

Ngayon ay manunulat na ako. Isang pangarap na nagawa kong tuparin hindi tulad ng naunawa kong dalawang pangarap. May ilang tanong lang na naglalaro sa isipan ko kung minsan-- kung naging artista ba ako, ano kaya ang mga papel na ginagampanan ko? At kung naging singer ako, ano naman kaya ang kantang kinakanta ko? Siguro... siguro lang naman, ang papel na ginagampanan ko ay ang mga tauhang isinusulat ko. At isang araw naman sa buhay ko, alam kong lalagyan ko ng tono ang mga linyang ito...

kung magmamahal ka, magmahal ka na lang... huwag ka ng maghintay ng kapalit at ng huwag kang masaktan.